Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez

Aiko balik-telebisyon, muling mambabaliw ng manonood

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG huling serye na ginawa ni Aiko Melendez sa Kapamilya Network ay ang Wild Flower noong 2017, na pinagbidahan ni Maja Salvador.

At after seven years, balik-ABS-CBN ang award-winning actress. Kasama siya sa seryeng Pamilya Sagrado na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Grae Fernandez, at Kyle Echarri.

Nagpasalamat si Aiko sa mga bosing ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagkuha sa kanya sa malalaking proyekto tulad nga nitong Pamilya Sagrado.

Sabi ni Aiko, “Thank you ABS-CBN and Dreamscape, for always having me in mind, kapag mayroong mga proyekto na ganito kalaki. Talagang kino-consider nila ako. I feel so blessed and flattered.”

Ipinaliwanag ni Aiko kung bakit tinanggap niya ang naturang teleserye.

I think the project itself and the cast, we all know that. Sinabi naman kanina na ito ang project na talagang inupuan ni Sir Deo (Endrinal-presidente ng Dreamscape na yumao na) kaya while doing this project, talagang inaalay namin itong lahat kay Sir Deo.

“And ‘yung cast din dito, nakatrabaho ko na rin ang karamihan sa kanila, and I am excited na makatrabaho ‘yung mga new ones,” aniya pa.

Siniguro naman ni Aiko na totally different ang role niya sa Pamilya Sagrado sa pinasikat niyang karakter na Emilia Ardiente sa Wildflower.

“Mayroon ba tayong mga baliw-baliwan dito? Mayroon! Sinabunutan niya ako rito,” sabi ni Aiko sabay turo sa co-star nilang si Mylene Dizon, na gumaganap bilang misis ni Piolo sa nasabing serye.

Kasama rin sa serye sina John Arcilla, Joel Torre, Tirso Cruz III, Rosanna Roces, Shaina Magdayao at marami pang iba.

Mula sa direksiyon nina Lawrence Fajardo at Andoy Ranay, mapapanood na ang Pamilya Sagrado simula sa June 17, Lunes, 8:45 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …