Wednesday , June 26 2024
Piolo Pascual Pamilya Sagrado

Piolo sa Pamilya Sagrado — it’s new, different, exciting, good for the times, and it’s very now

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG huling teleserye na ginawa ni Piolo Pascual sa ABS-CBN ay ang Flower of Evil, dalawang taon na ang nakararaan, na kasama niya si Lovi Poe. At ngayong 2024 ay nagbabalik ang award-winning actor sa  Pamilya Sagrado na tinawag na epic series.

Gamaganap si Piolo bilang si Rafael Sagrado, ang head of the family.

Kuwento ni Piolo tungkol sa kanilang serye, “As the title suggests, it’s about a family. Pamilya Sagrado is our family. It will discuss about fraternities and brotherhood. What will prevail — love, loyalty or justice?

It’s very complex. As much as we want to share it already, this is the first time that we all got together and noong pinresent ‘yung buong story, I’m excited for our audiences because aside from it being new, something different, it’s really exciting. It’s good for the times, and it’s very now.

“So, maraming kapupulutan ang audience natin for sure, at magru-root sila sa characters na magugustuhan nila. Ang laki ng cast so, I’m just really excited,” aniya pa.

Sa tanong kung anong mga dahilan kung bakit napa-yes siya sa Pamilya Sagrado, sagot ni Piolo, “’Yung concept niya, actually.  Kasi as an artista, naghahanap tayo ng bago, something na matsa-challenge sa craft mo sa trabaho mo at ito ‘yun!

“The first time it was pitched to me, I said yes right away, because you can never go wrong with Dreamscape (Entertainment) and what more with ABS-CBN.”

Puring-puri ni Piolo ang Kapamilya Network pagdating sa paggawa ng magagandang teleserye at nabanggit nga nito ang huling ginawa niya na Flower of Evil.

So, I’m just praying na lahat ng projects ng ABS or sa industry in general ay maging successful at lumawak pa ang audience natin, ‘yung reach natin,” sabi pa ng aktor.

Kasama rin sa Pamilya Sagrado si Grae Fernandez. Gumaganap siya rito bilang si Justin Sagrado, anak nina Piolo at Mylene Dizon, na head ng isang fraternity.

Bukod sa gustong makatrabaho si Piolo, ang isa pang dahilan para tanggapin ni Grae ang proyekto ay kung paano siya naka-relate sa kanyang role.

Well, I think, let’s make it lighter the positive aspect is I think every decision he (Justin) makes is for his family talaga, for his mother and father and the Sagrado talaga.

“I think I can relate with that so much na talagang every decision I make, kailangan in the back of my head kailangan kasama kung paano maapektuhan ang pamilya ko.” sabi ni Grae.

Bukod kina Piolo, Mylene, at Grae, kasama rin sa Pamilya Sagrado sina Kyle Echarri,Shaina Magdayao,Tirso Cruz lll, Rosanna Roces, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner, Alyanna Angeles, River Joseph, Valentino Jaafar, Migs Cuaderno, Iana Bernardez, Micaela Santos, Dustine Mayores, Emilio Daez, Austin Cabatana, Marc Manicad, JC Galano, Ron Angeles, Rocky Labayen, John Joven Uy, John Arcilla, Joel Torre, at ang nagbabalik-showbiz na si Aiko Melendez.

Sa direksiyon nina Lawrence Fajardo at Andoy Ranay, mapapanood ang Pamilya Sagrado tuwing weekdays, simula Hunyo 17, 8:45 p.m., sa Kapamilya Channel.

About Rommel Placente

Check Also

Barbie Forteza David Licauco

Barbie Forteza at David Licauco, may kakaibang pakilig  sa pelikulang That Kind of Love

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA sa TV ang loveteam nina Barbie Forteza at David …

Gawad Dangal ng Filipino Awards

2nd Gawad Dangal ng Filipino Awards 2024 dinagsa  

MATABILni John Fontanilla STAR studded ang ikalawang Gawad Dangal ng Filipino Awards 2024 na ginanap sa Sequioa Hotel, …

Barbie Forteza David Licauco

David-Barbie friendship nakatulong sa mga sweet na eksena  

MATABILni John Fontanilla GRABENG kilig ang hatid ng kauna-unahang pelikula ng tambalang Barbie Forteza at David Licaucona That Kind …

Ruffa Gutierrez Herbert Bautista

Herbert tin-edyer pa lang type na si Ruffa

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT anti-climactic, pinuri pa rin si Ruffa Gutierrez sa pagkompirma sa relasyon nila ni Herbert …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bakasyon muna sa US at Canada 

I-FLEXni Jun Nardo BAKASYON muna sa US at Canada si Vilma Santos-Recto. Bago lumipad, trineat niya …