MA at PA
ni Rommel Placente
ANG mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na kilala ang loveteam sa tawag na KimPau, ay ayaw paawat sa pagsasabing gusto na nilang maging mag-jowa ang dalawa kahit pa sinabihan na sila ng aktor na huwag madaliing magka-relasyon sila ng aktres at hayaan muna itong mag-heal after ng breakup kay Xian Lim.
Talagang kilig na kilig kasi ang mga tagahanga sa KimPau loveteam lalo na nang may lumabas na chika na hatid-sundo ni Paulo si Kim. Gumigising umano ng maaga si Paulo para ihatid si Kim sa It’s Showtime.
Isa pang tsika, patunay pa raw na may relasyon na sila ay ang pagpapakilala ni Paulo kay Kim sa friends niya. Sa gym pa raw na pina-patronize ni Paulo dinala ang leading lady sa What’s Wrong With Secretary Kim? at doon ipinakilala sa mga kaibigan.
Dagdag na tsika pa, magkasama raw ang dalawa sa Amanpulo noong birthday ni Paulo kamakailan.