Sunday , December 22 2024
LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PA
ni Rommel Placente

SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos na 72nd FAMAS Awards, na ginanap sa Manila Hotel noong Linggo ng gabi para sa pelikulang In His Mother’s Eyes.

In fairness, deserving ang young actor-singer sa award na kanyang natanggap. Ang husay-husay niya sa nasabing pelikula. 

Nagampanan niya wth flying colors ang role niya bilang isang special child. Si Maricel Soriano ang gumanap na  kanyang ina.

Sa acceptance speech ni LA, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang Mommy Flor sa pagiging very supportive sa kanyang career.

Narito ang acceptance speech ni LA.

Unang-una po, gusto ko pong pasalamatan si Lord, for giving me a chance to be an actor po. I really really love acting po. Sobrang na-inlove na po ako sa craft. 

“Gusto ko rin pong pasalamatan of course ang mommy ko po, si Miss Flor Santos. Forever mama’s boy po ako. Gusto ko rin pong pasalamatan si Direk FM Reyes (director ng ‘In His Mother’s Eyes’), grabe po ‘yung patience niya sa akin,” sabi ni LA.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni LA ang lahat ng mga nakasama niya sa In His Mothers Eyes, ang buong cast and crew, gayundin ang humahawak sa kanyang showbiz career, ang JRB Creative Production. At siyempre, sobrang nagpapasalamat si LA sa juries ng FAMAS, sa pagkakapili sa kanya bilang Best Supporting Actor.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …