Monday , December 23 2024
Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay niyang pagganap sa A Very Good Girl.

Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya nakalimutang pasalamatan si Dolly de Leon, na co-star niya sa nasabing pelikula.

Narito ang acceptance speech ni  Kathryn.

“This is my first (best actress award sa FAMAS). Thank you so much po FAMAS.

“Noong tinanggap ko ang pelikulang ‘A Very Good Girl,’ hindi naman po ako nag-i-expect ng any award or nominations. Tinanggap ko po ito dahil naniwala ako sa material at nagtiwala ako sa mga kasama  ko. 

“Siguro, umaapaw lang po ‘yung saya, kasi nabigyan ako ng pagkakataon na gumawa ng ganitong klase ng pelikula, na minahal at sinuportahan siya ng mga tao. So maraming-maraming salamat po.

“This movie, ‘A Very Good Girl’ is a product of hardwork, love, and passion. So maraming salamat sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng nagbigay ng oras at sa lahat ng nagmahal sa pelikula namin. 

“And of course, gusto ko ring  i-share ang award na ito sa lahat ng bumubuo ng ‘A Very Good Girl,’ my Star Cinema family, my co-actor, Miss Dolly de Leon, our director, Peterson Vargas. At sa lahat ng sumuporta, at sumusuporta sa akin hanggang ngayon, maraming-maraming salamat.

 “Your very good girl is a very happy girl tonight Thank you so much FAMAS.”

Narito ang kompletong listahan ng mga nanalo sa 2024 FAMAS Awards:

Best Picture: “Mallari”

Best Actor: Piolo Pascual (“Mallari”) and Alfred Vargas (“Pieta”)

Best Actress: Kathryn Bernardo (“A Very Good Girl”)

Best Director: Louie Ignacio (“Papa Mascot”)

Best Supporting Actor: LA Santos (“In His Mother’s Eyes)

Best Supporting Actress: Gloria Diaz (“Mallari”)

Best Child Actor: Euwenn Mikael Aleta (“Firefly”)

Best Child Actress: Elia Ilano (“Ghost Tales”)

Best Screenplay: Enrico Santos (“Mallari”)

Best Editing: Benjamin Gonzales Tolentino (“Iti Mapukpukaw”)

Best Cinematography: Carlo Mendoza (“Gomburza”)

Best Production Design: Marielle Hizon (“Mallari”)

Best Musical Score: Teresa Barrozo (“Iti Mapukpukaw”)

Best Visual Effects: “Mallari”

Best Sound: “Rewind”

Best Original Song: “Finggah Lickin'” (“Becky And Badette)

Circle of Excellence Award: Vilma Santos and Christopher de Leon

Special Citation Award: Gloria Romero

Best Short Film: “Huling Sayaw ni Erlinda”

Best Documentary: “Maria”

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …