PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AYAW pag-usapan ni Kiko Estrada ang mga naging relasyon niya in the past lalo na ‘yung mga galing sa showbiz.
Hindi naman daw dahil sa may pangit na posibleng mabuksan kundi mas maayos na kung may kanya-kanya na lang silang dapat na lugar.
Sineseryoso ni Kiko ang pagiging action star. Nang dahil sa series niyang Lumuhod ka sa Lupa sa TV 5ay mas nakapag-focus ang aktor na busisiin ang isyu ng kanyang physical health.
Mas madalas na siya sa gym, nag-aaral ng jujitsu, ng ibang action stunts at nag-aaral pa ng mahusay na Tagalog bilang isang magaling na abogado na role niya sa series.
By the way, simula ngayong Lunes, May 27, ay lilipat na sa primetime ang series ni Kiko.
Meaning, direkta na itong makikipag-kompitensya sa mga action series nina Coco Martin sa ABS-CBNat Ruru Madrid sa GMA 7.
Challenged at pressured din si Kiko pero natural lang ‘yun. “I look at them as good action stars. Nandoon na sila habang ako ay nagsisimula pa lang,” sey ng mas hunk at guwapo ngayong si Kiko.