Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia 2

Beaver mahusay mag-drama, ‘di nagpakabog sa mga veteran actor

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BINABATI namin ang buong cast ng When Magic Hurts lalo na sina Beaver Magtalas at Mutya Oriquillo o MutVer dahil sa very successful red carpet premiere event ng movie sa NE Pacific Mall.

We were there last Sunday, kasama ng inyong lingkod ang mga kapwa hosts ng Marites University and we witnessed the fun, the excitement and the kilig the movie brought to the viewing public. Nagkaroon ng kaunting entertainment sa mall bago ang film showing.

Napaka-guwapo ni Beaver at nakakikilig talaga ang smiling eyes nito and in fairness, magaling pala itong mag-drama, hindi lang sa pagpapakilig. Mahusay din itong kumanta na tinilian ng fans sa nasabing mall.

Mahuhusay sina Mutya, Maxine Trinidad at iba pang cast members na bagets na hindi nagpakabog sa mga beteranong sina Soliman Cruz, Angelica Jones, Archie Adamos, at Dennis Padilla na kering-keri ang pa-gurl na role. At siyempre pa, ang nag-iisang Claudine Barretto na napakahusay pa rin at napakaganda na kahit pumayag maging nanay ni Mutya sa movie ay may sariling moment na Claudine na Claudine just like her old days na biggest star siya.

Showing na sa May 22 sa mga sinehan ang When Magic Hurts, kaya’t tara na, panoorin po natin at makisaya sa pagkanta ng Got to Believe in Magic hahaha! Ang saya-saya!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …