Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi kabi-kabila ang parangal na natatanggap

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HALOS nasa kalahating taon pa lang tayo ng 2024, pero sa mga bonggang kaganapan sa showbiz ay rampang-rampa talaga ang pagbibigay parangal sa ating Star For All Seasons at mahal naming kumare-idolong si Vilma Santos.

Remember, isang pelikula lang ang nagawa niya last year and yet, siya lagi ang nagiging batayan ng mga award-giving bodies pagdating sa husay at pagiging makabuluhan.

Grabe, very consistent talaga ang halos lahat ng mga award giving derbies sa pagpaparangal sa mga nagawa ni Ate Vi. 

Last Sunday, pinarangalan siya ng GMMA (Guillermo Mendoza Memorial Award) bilang Box-office Iconic Star at Film Actress of the Year. Kung ilang beses na niya itong nakuha since decades back, pero wala talagang magagawa kung nag-uumapaw ang ebidensya ng mga naitalang record bilang patunay gaya ng sa last project niyang When I Met You in Tokyo.

Kaya sa mga naiinggit pa rin diyan, mas makabubuting gumawa na lang din kayo ng mga obra at likhang-sining na  ‘relevant, timeless, may mass appeal, kumikita sa takilya at may positibong impact sa majority.’

Mainggit ng tama, wasto at may ipinakikitang resibo ‘ika nga hahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …