Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Soo Hyun Asia Tour Eyes On You

Korean Superstar Kim Sol Hyun dadalaw sa ‘Pinas

TIYAK na magugulo ang kapaligiran sa may Araneta Coliseum sa Hunyo 29, 2004 dahil magkakaroon ng konsiyerto ang Korean superstar at isa sa pinakamahuhusay na aktor ng Korea, si KIM SOO HYUN. Ito na ang ang pinakahihintay, ang pagdalaw ni Kim Soo Hyun para sa kauna-unahang Asia tour niya sa loob ng sampung taon, ang EYES ON YOU, sa Sabado, Hunyo 29, 2024 sa Araneta Coliseum. 

Ang 2024 Kim Soo Hyun Asia Tour sa Manila ay magtatampok ng mga espesyal na kanta na ipe-perform ng kilalang Korean actor para sa kanyang mga Pinoy na tagahanga.

Si Kim Soo Hyun na kamakailan ay nakakuha ng maraming atensiyon mula sa mga tagahanga mula sa napakalaking tagumpay ng kanyang K-Drama, ang Queen of Tears, na ngayon ay naging pinakamataas na rating na serye sa tvN na nalampasan ang Crash Landing On You. 

Naging nangungunang Hallyu star din si Kim Soo Hyun nang makamit niya ang tagumpay sa fantaseryeng My Love the Stars, ang drama sa telebisyon na Moon Embracing the Sun (na nakasungkit siya ng Best Actor sa Baeksang Arts Award), ang variety drama na The Producers (na nakakuha siya ng tatlong parangal sa Daesang), at ang romantic comedy na It’s Okay to Not Be Okay.

Ang mga tiket sa 2024 Kim Soo Hyun Asia Tour <EYES ON YOU>  ay mabibili na simula Sabado, Mayo 18, 2024 sa TicketNet.com.ph at TicketNet outlets nationwide. Sundan ang Wilbros Live sa social media para sa karagdagang impormasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …