PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAG-IISA talaga ang Star For All Seasons Vilma Santos.
Bibihira sa industriya ang mga gaya niyang kahit may sakit na at lahat ay pumupunta pa rin sa mga natanguang commitment.
Last Monday, we’ve learned that Ate Vi was running with colds and fever kaya’t yung organizers ng event for the screening of Anak with Talkback ay naghanda na ng alternative kundi ito makadalo.
But both CCP at UST organizers and those young audiences were simply amazed nang biglang nagpasabi na darating ang acting legend at reyna ng industriya.
And so she did. Sinamahan pa niya ang UST studentry and officials pati na mga VIP ng CCP and friends from the media sa screening ng Anak.
At kahit gaya naming dosenang beses nang napanood ang pelikula, the emotions we felt and had still were there.
Grabe pa rin ang tulo ng mga luha at pagsisikip ng mga dibdib namin dahil sa mga moment sa film na tunay namang very relevant pa rin sa current time.
Pero gaya nga sinasabi ng scriptwriter nitong si kuya Ricky Lee at ng kaibigan nating si Leo Katigbak, super big help na maganda ang pagkaka-restore ng Anak.
That’s why naging kampanya na rin nina Ate Vi, kuya Ricky, at Leo na isulong pa ang restoration project ng iba pang relevant films para ma-enjoy at mapag-aralan ng new generation.
Kaya naman kahit may sakit talaga si Ate Vi na halatang sinisipon at inuubo, nag-mask lang ito para ma-enjoy ang mga bagets na crowd.
Grabe pero para naming nakita muli ‘yung klase ng mga Vilmanian noong 70’s-80’s na very passionate sa pagtili, pagsigaw, pagpalakpak, at pagbibigay papuri kay Ate Vi.
The videos and fotos na nagkalat ngayon sa mga socmed platforms could simply describe and prove na sa industriyang ito, only Vilma Santos can do such thing.
She had been there in the 70’s , 80’s and 90’s until the 2000’s. Namamayagpag and consistently maintaining her status as queen and icon, and to witnessing her in this generation of alpha, Gen Z and millennials, wow talaga!!!
Ang mga bagets na po ang bahalang magkuwento sa inyo dahil gaya ng ibang Vilmates, sobra lang kaming naaaliw na pakinggan at panoorin kung paanong gustong kilalanin ng mga ‘bagong tao’ ngayon ang isang Vilma Santos.
Mabuhay at congratulations again!
Happy rediscovering Ate Vi and her films then.