MA at PA
ni Rommel Placente
AYON kay Ina Raymundo, naging madali lang para sa kanya na makatrabaho at magka roon sila ng chemistry ni Donny Pangilinan, dahil pareho ang built at height ng aktor sa kanyang anak na si Jakob Poturnak.
Sa top-rating series ng ABS-CBN na Can’t Buy Me Love ay gumaganap sina Ina at Donny bilang mag-ina.
“It’s so easy to act with him, because he reminds me so much of my only ‘sonshine.’ Pareho sila ng height exactly. Parehong maskulado. So when we hug each other, I close my eyes. I imagine it’s my son, kasi three months ko na siyang hindi nakikita,” sabi ni Ina.
“I’m thankful si Donny ang katrabaho ko kasi it was easy for me to show emotion, kasi emotional ‘yung mga scene namin.
“Imagine-in mo, ‘yung anak mo can’t forgive you, hate ka, ang hirap niyon as a mom. Parang nai-magine ko parang si Jakob na hate ako, it breaks my heart into tiny pieces. So ‘yon ang daling i-channel with Donny,” aniya pa.
Lahat nga ay magagandang salita ang sinasabi ni Ina sa buong cast ng nasabing serye, hindi lang kay Donny. Kaya mami-miss talaga niya ang kakaibang closeness na nabuo sa kanila.
“They are such good people and they’re very good actors. I’m a fan of DonBelle kasi they are so young but so experienced in life, and the way they carry themselves. I’m so proud to work with all of them.”
Samantala, ganoon din ang nararamdaman ni Donny sa kanyang onscreen mother.
“It was also a pleasure working with Ms. Ina. First time rin namin na nagka-work. From the moment na sinabi sa akin na siya ‘yung magiging nanay ko sa ‘Can’t Buy Me Love,’ sobra na akong na-excite. Na-feel ko rin ‘yung pagmamahal niya sa mga anak niya, how much of a mother she is.
“And my mom is also a mother of five, and I think that moment, nag-relate talaga kami because of the relationship. Doon lumalabas ‘yung raw emotions.”