PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA naging tapatan ng mga opening numbers ng It’s Showtime at Eat Bulaga, ipinagmalaki ng Kapamilya kingdom na tila kinulelat nila sa views ang huli.
Sa mga nakapanood, masasabi naman talagang pinaghandaan ng It’s Showtime lalo na ni meme Vice Ganda ang production number.
In fact, bidang-bida talaga si meme Vice at halos naging mga supporting players lang niya ang mga kasamang hosts.
Ayon sa mga socmed posts ng Kapamilya camp, umabot ng halos sa kalahating bilyon views ang nai-record ng It’s Showtime kompara sa 100k views ng Eat Bulaga.
Isang madiin at simpleng “may bago pa ba?,” ang isinagot sa amin ng isang ehekutibo ng TV5 sa iprinisinta naming balita.
“Kilala naman sa industriya ang ABS-CBN na magaling at numero uno sa pag-exaggerate ng figures, pag-padding at pagpapakalat ng mga ganyang figures at data, so?,” ang nakaiintriga nitong hirit.