Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Anyare?
BarDa nagkakailangan, pagpapakilig halatang pilit

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

WINNER daw ang husay ng mga Kapuso star na sina Julie Ann San Jose-Rayver Cruz, Ruru Madrid, at Bianca Umali ayon sa mga kaanak at kaibigan naming nakapanood ng show ng mga ito sa Toronto, Canada last April 7.

Feel na feel daw kasi nilang “realistic” ang pagpapakilig ng mga ito sa audience sa kanilang mga bonggang kantahan, sayawan, at pakuwelang jokes.

Napatanong tuloy kami kung anong nagyari sa BARDA, nina Barbie Forteza at David Licauco na kasama rin sa naturang show?

Generic, pilit at parang may wall,” sagot sa amin ng aming mga ka-chat.

Siyempre nagtaka kami dahil malakas, kuwela at talagang may following na rin ang BarDa.

Hmmm, ano kayang naganap mula sa mga hit tandem shows nila?

Two leg ‘yung show dahil nauna na noong April 5 sa Calgary, Canada at nitong April 7 nga sa Toronto.

Si kaibigang Boobay ang nagsilbing host at tagapagbalita nila sa direksiyon ni Mr, M (direk Johnny Manahan).

Anyway, matagumpay at naging masaya naman daw sa kabuuan ang pagtatanghal at maraming mga kababayan natin ang umaasang masusundan pa ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …