Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Belle Mariano Donny Pangilinan Donbelle

Belle nag-walk out sa taping ng serye nila ni Donny

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-WALK OUT pala si Belle  Mariano sa taping ng top-rating series ng ABS-CBN  na Can’t Buy Me Love, na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam na si Donny Pangilinan. Ang huli mismo ang nagbisto sa ginawang pag-walk-out ng una sa pamamagitan ng pag-post niya ng video sa Facebook.

Ayon kay Donny, may isang eksena kasi sila sa serye na magkasama sa closet ni Belle.

Noong una raw, ay pekeng ipis ang ginamit bilang props, ngunit nang gamitin na ang totoong ipis, bigla na lamang daw naglaho sa closet si Belle.

Nag-walkout siya in a good way. Alam naman nila na takot siya sa ipis,” sabi ni Donny na natatawa.

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng serye, nalungkot ang mga tagahanga ng DonBelle.

“Sana extended pa ang CBML pls. naku wala na kaming papanooran gabi gabi sa Netflix TV malungkot na nman ang life namin dito sa aming compound, yan lng ang aming pinapanood at sinusubaybayan ang CBML. avid fan talaga kami ng DonBelle ang galing nila umacting at bagay talaga silang dalawa Donny at Belle kinikilig kami sa kanila,” sabi ng isang tagahanga ng Donbelle.

“Bakit nman nalulungkot Ako, ilang ng to. Please wag nyo tapusin ang Can’t Buy Me Love, or pwede gawa kayo ulit teleserye na Donbelle ang bida,” sabi ng isa pang fan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …