PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
LAST 2015 pa pala huling nakagawa ng movie si Vina Morales with Robin Padilla.
Kaya naman excited nitong ibinalita sa atin na kahit nanibago siya ng bahagya sa latest movie nilang Sunny, “masaya at nakatutuwa ‘yung experience.”
Iba pa rin kasi ang paggawa ng movie aniya, kompara sa mga naging trabaho niya sa TV.
Bukod nga sa mas malaki at malawak, ‘yung presence ng mga co-star niya ang lagi niyang nilu-look forward dahil mabilisan ang atake sa kuwento.
Sa pelikula nga ay kasama ni Vina sina Candy Pangilinan, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Ana Roces, at Katya Santos.
Since it’s a Korean adaptation, may mga younger counterpart sila gaya nina Heaven Peralejo, Abby Bautista, Aubrey Caraan, Ashley Diaz, Ashtine Olviga, Heart Ryan Evangelista, at Bea Binene.
Si Jalz Zarate ang direktor nito sa panulat ni Mel del Rosario.