Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Cant Buy Me Love

Serye ng DonBelle laging nasa Top 10 sa Netflix

AYON sa lead stars ng top-rating series na Can’t Buy Me Love na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, mas maraming pasabog na revelations at exciting plot twists ngayong buong linggo ang mapapanood sa kanilang serye.

Ang dami pang tanong na masasagot. Few episodes left na lang pero ‘yung kilig, action, drama, thriller, lahat na ‘yun, all in one, makikita ninyo. Pero siyempre, marami pa ring kilig talaga,” pahayag ni Donny sa panayam ng ABS CBN News.

Nagpasalamat din sina Donny at Belle sa mga manonood dahil patuloy na bahagi ng Top 10 most watched shows sa Netflix Philippines ang Can’t Buy Me Love.

Sobrang thankful siyempre. Actually, sabay -sabay nating pinapanood ‘yun. Kami rin personal naming inaabangan ‘yung next episode. Maraming-maraming salamat sa pagsuporta sa ‘Can’t Buy Me Love,’ sabi naman ni Belle.

Samantala, malaki ang naging pagtaas ng lokal na turismo sa Binondo nitong mga nakaraang buwan dahil sa serye. Maraming mga tagahanga ang nagbabahagi ng kanilang mga pakikipagsapalaran sa muling paglikha ng mga eksena mula sa palabas at pagbisita sa eksaktong mga lokasyon ng mga eksena ng BingLing at SnoRene. 

Sa pinakabagong episode ng serye, patuloy na hinahanap ni Caroline ang mga lead sa pagkamatay ni Divine (Shaina Magdayao) matapos kompirmahin ni Gilbert (Cris Villanueva) na hindi pinatay ni Cindy (Agot Isidro) ang kanyang ina. Pinaghihinalas  niya ngayon ang mga taong mahal ng kanyang madrasta, simula sa kanyang kapatid na si Charleston (Albie Casino). 

Sa kabilang banda, galit na hinarap ni Bingo si Annie (Ina Raymundo) matapos nitong makita ang pagbibigay ng pera sa kanyang Lola Nene (Nova Villa). Naglakas loob din siyang magsalita tungkol sa kung paano sinira ng kanyang mga kilos ang buhay nila ni Caroline. 

Abangan ang iba pang romance at revelations sa Can’t Buy Me Love tuwing weekdays pagkatapos ng Linlang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5. Maaari ring manood ng maaga ang mga manonood sa Netflix at iWantTFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …