Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Alcasid Janno Gibbs Regine Velasquez Jaya

Ogie excited sa balik-GMA; Jolens, Janno, Regine, Jaya pagsasama-samahin  

MA at PA
ni Rommel Placente

BALIK-KAPUSO si Ogie Alcasid matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA 7 para sa pagpapalabas ng It’s Showtime sa Kapuso.

Simula sa April 6, Sabado ay mapapanood na sa GMA 7 ang noontime show.

Naging emosyonal si Ogie sa isang panayam dahil nga sa napakainit na pag-welcome sa kanila ng mga bossing ng GMA 7.

Si Ogie ay nagsimula sa GMA 7 bago siya napunta sa ABS-CBN. Ang naging show niya rito ay ang Bubble Gang at ang dating musical show na SOP.

“Naluluha ako because of joy. Dito ako nanggaling noon, tapos ito at nakabalik ako. It’s an emotional journey. Sino ba ang makapagsasabi? Only God,” ang pahayag ni Ogie.

Ayon pa sa singer-TV host, umaasa siya na muling makasama ang mga kasamahan niya noon sa SOP.

“Maganda, magsasama-sama kami for a great production number, we can relieve the old ‘SOP’ days, that would be nice.

“Maybe nandiyan sina Jolina (Magdangal), sina Janno (Gibbs), Regine (Velasquez), Jaya. Maybe gagawin ko ‘yun sa birthday ko,” excited na sey pa ni Ogie.

Para naman kay Karylle, isang napakalaking blessing ang pagbabalik niya sa GMA na naging tahanan din niya ng ilang taon bago rin siya lumipat sa ABS-CBN.

“For me personally it’s almost like a homecoming also because I was welcomed back by the Kapuso bosses and I felt talagang very, very special and very, very welcome,” sabi ni Karylle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …