Sunday , December 22 2024
Kim Chiu Paulo Avelino Whats Wrong With Secretary Kim

Paulo-Kim chemistry umaapaw, teaser ng bagong serye kinagiliwan

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL naging matagumpay ang unang seryeng pinagsamahan nila sa Linlang, heto’t binigyan na agad ng follow-up project ng ABS-CBN sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ito ang Filipino adaptation ng hit South Korean series na What’s Wrong With Secretary Kim.

Approved sa ilang mga K-Drama fan na sina Kim at Paulo ang napili para magbida sa serye. At lalong approved ito sa Kim-Pau fans. Sobra silang happy na muli nilang mapapanood regularly sa telebisyon ang kanilang mga idolo.

Mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment, ito na ang kanilang ikatlong pakikipagsanib-puwersa sa Viu after The Broken Marriage Vow at Flower of Evil.

Napanood na namin ang teaser ng What’s Wrong With Secretary Kim, at bagay nga kina Kim at Paulo ang kanilang role. At talagang may chemistry sila, huh!

Nakakikilig talaga silang panoorin sa screen.

Narito ang ilan sa comments na nabasa namin sa mga nakakita na ng teaser.

Anonymous: “ayay! Super kilig! Sana sila ang forever! after watching Linlang sa Prime Video super kilig talaga ang chemistry nila, so clamor ng fans to na mag team up sila and now here it is!”

In fairness, kahit matanda na ako kinikilig pa rin ako sa kanila ha. Kung magkatuluyan man sila o hindi, wish ko masaya at healthy sila pareho.”

Winner!!!:)”

ayy grabe bagay na bagay sila..lakas ng chemistry ni KimPau”

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …