Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marion Aunor

Marion Aunor may pasabog sa Valentine’s concert

NAPANSIN namin na blooming si Marion Aunor noong nag-guest siya sa online show namin nina Roldan Castro at Mildren Bacud na Marisol Academy. Kaya tinanong namin siya kung may nagpapasaya sa kanya ngayon, o kung may karelasyon na siya ulit?

Pero ang sagot niya ay single pa rin siya. 

Aminado naman ang mahusay na singer-composer na isa ring aktres na may nagpaparamdam sa kanya ngayon.

Hanggang ngayon naman, may mga nagpaparamdam, pero wala lang…wala pa akong napipili. Wala pa ‘yung the one,” sabi ni Marion na natatawa.

Since isang Aunor si Marion, tita niya si Nora Aunor na binansagang Superstar sa showbiz, at mommy naman niya si Lala Aunor, na talaga rin namang sumikat ng bonggang-bongga noon, na isa sa member ng Apat Na Sikat, hindi ba siya napi-pressure na related siya sa mga ito?

Hindi naman,” sagot ni Marion.

More of nakatutuwa lang, nakaka-proud na related ako kina tita Guy and then sa mom ko. Kasi lahat naman sa family ko, musically inclined. So, nakaka-proud lang ito be a part of the Aunor clan.”

Kahit related si Marion kay ate Guy at Miss Lala, ay hindi niya ginamit ang mga ito. 

Kumbaga, hindi niya idinidikit ang pangalan niya sa kanyang tita at mommy. Nakagawa ng sariling pangalan si Marion sa music industry. Naghi-hit ang mga single at mga kino-compose niya.

Ang ilan sa mga ginawan ng kanta ni Marion ay sina Sharon Cuneta, Bela Padilla, Jaya, Jona, Eric Santos, at Kathryn Bernardo.

Maganda naman po ‘yung feeling. Pero siguro, ‘yung  ibang mga tao, naku-curious sa last name ko, kaya napapa-support sila.

“Naa-appreciate ko ‘yung mga Noranian din, kasi napi-feel ko rin ‘yung love from them. But of course, masarap sa feelings na nakaka-create ng sariling identity sa showbiz,” aniya pa.

Ang latest single ni Marion ay ang, Nahulog na siya rin mismo ang nag-compose. 

Ipinaliwanag ni Marion kung bakit Nahulog ang title ng kanyang kanta.

Literal na na-fall ka. Nahulog ka sa kanya (na-inlove sa isang lalaki).

“‘Yung mga kanta ko nga laging hugot, laging heartbreak songs. Tapos na-realize ko, parang lagi kong naa-attract ‘yung mga heartbreak sa buhay ko kapag ganoon.

So, try ko naman na positive ‘yung topic ng kanta, baka naman sakaling mas positive naman ang experience ko sa life.”

Samantala, magkakaroon ng Valentines show si Marion sa February 14  sa Viva Cafe, 8:00 p.m. titled Valentine’s Show Para Sa Mga Walang Ka-Valentine (pero kung mero’n, ok lang din)

Gumawa ako ng show para magsama-sama ‘yung mga single pero pwede rin naman para sa couples.

“Ipi-feature ko sa concert ‘yung Wild Dream Records artists na nag-sign sa amin, para ma-showcase rin ‘yung talents nila sa mga follower ko at sa mga tao. At may surprise guest din ako. Hindi ko sasabihin kung babae o lalaki,” ang natatawang sabi pa ni Marion.

Watch ninyo ang Valentine’s show ni Marion, siguradong mag-e-enjoy kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …