PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
THE fact na sinuportahan si Donny Pangilinan ng mga showbiz friend niya, family members at cast members ng Can’t Buy Me Love, top executives ng Star Cinema at ABS-CBN, plus TV5 people pati na ni sir MVP at mga gamer and fans, simply makes the actor the hottest star.
Hindi man ito ‘yung klase ng love team flick, mismong si Belle Mariano na kanyang ka-tandem sa mga romantic projects ay aliw na aliw sa pelikula. Katabi nito si tita Nova Villa sa upuan with Vivoree at Ketchup Eusebio, dinig na dinig namin ang, “ohh at ahhh” ng ka-loveteam ni Donny kasabay ng masasayang palakpak ng mga gamer na na-excite sa mga tagpong kompetisyon.
Nasa ibabang part lang kami nina Belle kaya’t kuwela sa amin ‘yung mga reaksiyon nila na hinahayaan naman ni Donny na nasa harap lang nila nakaupo katabi ang nanay niyang si Maricel Laxa at kahilera ng tropang Tokwa’t Bad Bois.