Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco Family Feud Maria Ozawa Dingdong Dantes

David Licauco nakantyawan dahil kay Maria Ozawa 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NABUKING si David Licauco na posible raw na nanonood ng mga porn movies o malamang na may subscription daw sa mga porn site.

Dahil nga ito sa naging sagot niya sa Family Feud tungkol sa tanong na MARIA na kailangang dugtungan ang name.

Sa dinami-dami naman daw kasi ng mga kilalang MARIA na medyo wholesome ang image at pagkakakilanlan, eh ang OZAWA pa ang naidugtong ni David.

Si Maria Ozawa ay isang kilalang Japanese porn star na minsan na ring na-link sa aktor na si Cesar Montano nang minsan itong bumisita ng bansa years back.

Nakantiyawan tuloy si David at inisip na nga ng mga nakaaalam lalo na ng mga kalalakihan na kaya siguro nakilala ng aktor ang porn star ay dahil sa napapanood niya ito o pinanonood niya.

Tawa lang ng tawa si David nang makorner siya sa naturang show, pero para naman sa maraming lalaki, wala naman silang nakikitang mali if ever  nanonood o may link sa porn site ang aktor.

Ganoon!

Samantala, makasaysayan ang MMFF 2023 na nabasag nito ang record ng pinakamalaking kinita ng taunang filmfest na naitala noong 2018.

Umabot na sa P1.069-B ang gross sales ng 10 official entries ng MMFF na tumakbo mula December 25, 2023 hanggang January 7, 2024.

Nalagpasan na nito ang kinita ng walong pelikulang kalahok sa MMFF 2018 na umabot naman sa P1.061-B sa dalawang linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan.  At dahil na rin sa kahilingan ng marami, pinalawig na hanggang January 14 ang pagpapalabas ng 10 film entries sa mga lokal na sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …