Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Apple Dy Ana Capri

Apple Dy ikinompara ni Direk Joey kay Ana Capri

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GAYA ni direk Joey Reyes, naniniwala kami na na-focus lang ang branding ng Vivamax stars sa mga hubaran at sinasabing malalaswang eksena.

Sa totoo lang din kasi, marami kaming napapanood na series o movie sa Vivamax na matitino ang istorya at may mahuhusay na artista.

But then again, we also see how the platform tries to make it sort of ‘exclusive’ para sa mga nagpapakita nga ng sensualidad at erotismo na bentang-benta sa mga tao, lalo sa mga kalalakihan.

Kaya sa latest opus ni direk Joey na Karinyo Brutal, hindi na kami magugulat kung may mga maeeskandalong manonood.

Pinagbibidahan ito nina Apple Dy, Benz Sangalang, at Maebelle Medina.

Personal na pinili ni direk Joey si Apple dahil nakikita niya raw dito ang ‘rawness’ ng isang Ana Capri, na eventually ay naging award-winning actress.

Maganda ang naging samahan nila sa isa ring Vivamax movie dati at naniniwala siyang soon ay tatanghaling mahusay na aktres si Apple.

And there are a lot of others (Vivamax stars) na mabigyan lang ng magandang projects, mas magiging magaling pa kaysa mga iba riyan,” sey pa ng mataray at magaling na direktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …