PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ISA na namang award-winning director ang may movie sa Vivamax.
Si direk Carlo Obispo na very unassuming ang nasa likod ng Bedspacer na pinagbibidahan nina Christine Bermas, Micaella Raz, Matthew Francisco, JD Aguas, Rash Flores, at Aila Cruz.
“HIndi ito tungkol sa buhay estudyante pero may ganoong factor sa movie. This movie tackles on life and struggles sa dorms ngayon ng mga working individuals na malayo sa families nila. Ano nga ba ang bagong sistema ngayon kompara sa noon?,” paliwanag ni direk Carlo na nakilala bilang mahusay magtahi ng mga komplikadong kuwento sa movie.
Mapangahas ang tema ng film dahil tinalakay nito ang isyu ng freedom sa mga bagay na nais i-explore ng young adults lalo na sa usaping consensual sex.
For sure, hindi kayo mabibigo na makita ang mga maseselang tagpo na napakahusay na na-interpret ng mga palabang artista ni direk Carlo.
Sey ng mga cast member, “nangyayari naman po talaga ang mga ganoong eksena (single sex- group sex, inuman, drugs, etc) lalo na sa mga dorm o bedspacing places, pero ang ano nga ang nagiging epekto nito sa pagkatao ng isang babae o lalaki o grupo ng mga tao?.”
Ay, malalim hehehehe.