PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HALOS nagkakasalubong ang mga lead star na may Metro Manila Film Festival entries.
Nandiyan na nga ang pinaka-masisipag na sina Vilma Santos at Christopher de Leon plus their co-family sa When I Met You In Tokyo na talaga namang laging pinagkakaguluhan ng mga tao.Then si Piolo Pascual na kahit mag-isang umiikot sa cinemas ay pinagkakaguluhan din.
At riot ‘yung nagkita sa lobby ng SM North Edsa sina Eugene Domingo at Pokwang at grupo nina Ate Vi-Boyet. Imbes na i-promote ‘yung movie nila, nagmistulang fans talaga ang dalawang komedyana kaya naman feel na feel naming panoorin din ang entry nilang Becky and Badette dahil sa napakagandang gesture na ‘yun.
Balita rin namin, nakapag-ikot din sina Sharon Cuneta at Alden Richards, pati na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.