Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB MMFF

MTRCB suportado ang MMFF, maglilibot sa mga sinehan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT Pasko ay trabaho pa rin ang inatupag ni MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairwoman Lala Sotto kasama ng iba pang mga opisyal ng ahensiya.

Full support sila sa ongoing na MMFF at malinaw ang adhikain nilang ibalik ang sigla ng panonood ng mga tao sa mga sinehan.

Malinaw din ang instruction o direktibang kanilang ipinatutupad na bawal munang gamitin ang mga deputy card ng MTRCB sa panahon ng pestibal para mas makatiyak na ng box-office returns sa mga producer.

Maglilibot din sa mga sinehan sa buong bansa ang MTRCB officials para

matiyak na maayos itong naipatutupad.

Come 2024, buo pa rin ang plano ng ahensiya na tumulong sa pagpapalakas ng movie industry habang may project naman sila para sa TV upang mas paigtingin ang pagpapatupad ng mga alituntunin at maiwasan ang mga previous issues lalo na sa mga noontime show.

Part of the job. Mahirap, hindi madali but we are on it and we are always on the guard,” sey pa ni Chairwoman Sotto na nag-wish na sana ay gumaling na ang lahat ng mga taong may pinagdaraanan at karamdaman at magkaroon ng mas matiwasay na sitwasyon ang bansa lalo na sa usapin ng peace and order.

At bilang panghuli, sinabi nitong katulong ang MTRCB ng movie and TV industries para matiyak ang majority na napapasaya at napaglilingkuran nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …