PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
WHAT a way to celebrate Christmas kasama ang pamilya at mga katrabaho sa industriya, enjoying the Metro Manila Film Festival entries.
As promised, inuna na naming panoorin ang When I Met You in Tokyo sa halos 95% filled cinema sa Trinoma.
Mixed of senior citizens and new audience ang kasabay namin kaya’t feel naming gusto rin nilang maramdaman ang very heartwarming romance na dala ng Vilma Santos-Boyet de Leon tandem.
Hindi naman kami nabigo at dito nga pinatunayan nina Ate Vi at Christopher na sila ang most durable, credible, at reliable na movie tandem sa showbiz with all due respect sa mga nauna sa kanila.
Ngingiti, tatawa, hahalakhak, iiyak, at sasabihin ninyong masarap ma-inlove after watching When I Met You in Tokyo.
Pero kung ang hanap naman ninyo ay kagugulantang at parang gusto ninyong pasabugin ang inyong mga ulo, naku, watch ninyo ang Mallari.
Ibang klase ang movie na very brilliant na natahi-tahi ang tatlong timelines (1840’s-1940’s, at 2023) pero kompleto sa excitement, suspense, at thrill.
Best bet namin sina papa Piolo Pascual at JC Santos as acting award pero nakaka-mangha rin ang galing nina tita Gloria Diaz at Elisse Joson.
Basta let’s enjoy the movies in this year’s MMFF.