Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erin Espiritu Euwenn Mikaell

Erin at Euwenn pambato ng Kampon at Firefly

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KUNG si Erin Espiritu ang frontrunner bilang Best Child Actress dahil sa husay sa Kampon, walang duda namang si Euwenn Mikaell ang male counterpart dahil sa Firefly.

Napakagaling ng ten year old boy na gumanap na anak ni Alessandra de Rossi na eventually ay naging si Dingdong Dantes (narrator) nang magbinata.

Sa mediacon nito, medyo nalungkot sila sa balitang 13-theaters lang ang ibinigay sa kanila starting December 25.

Kaya nga po nag-iimbita kami at nakikiusap na sana ay unahin na ninyo itong panoorin,” saad ni direk Zig Dulay.

Ayaw na nilang magpaka-nega pa sa mga ganitong senaryo dahil confident silang matino, disente, at maayos ang pagkaka-gawa ng pelikula.

Kasama sa pelikula sina Cherry Pie Picache, Yayo AguilaMiguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Basta kami, pasok sa top five namin na pagkakagastahan at oras na panoorin (at uliting panoorin) ang Firefly, kasama ang When I Met You in Tokyo, Mallari, A Family of Two, at Broken Hearts Trip.

‘Yung limang natitira ay panonoorin namin (o uuliting panoorin at intindihin) kapag may oras at pera pa kami.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …