Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzales Derek Ramsay Kampon

Beauty Gonzales bagay ang horror genre

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

IBA ang datingan ng Kampon entry.

Kung hindi mo tututukan ang mga detalye ng kuwento, baka maligaw ka at mapatili ng walang dahilan.

But seriously, this is not your typical horror movie na basta na lang nananakot. Tama ang sinabi ng producer na si Atty. Joji Alonzo na ipinakikita ng Metro Manila Film Festival entry ang ibang side ng “evil,” at kung paano nitong binabago ang ating pagtingin sa buhay.

Medyo nadidiliman lang kami sa ilang scenes (o baka hindi kami nakasalamin o sadyang luma na ang projector ng SM cinema hehehe). Though for arts reason, ganoon nga siguro ang hinihingi ng kuwento.

Bagay kay Beauty Gonzales ang horror genre. Mayroon siyang kakaibang nuances sa mga pag-react niya. And since originally ay si Kris Aquino ang dapat sa role niya, ini-imagine namin kung ganoon ang magiging atake nito and the answer is “better actress” si Beauty.

Sa mga naka-miss kay papa Derek Ramsay, well hindi kayo bibiguin ni papa D na either kaiinisan ninyo o mamahalin.

And yes, ‘yung si Erin Espiritu na bagets na sentro ng kuwento, naku, napakahusay na bata at alam niya ang kanyang ginagawa. Frontrunner siya sa pagka-Best Child Performer. Mukha siyang anghel pero matatakot ka.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …