PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
FIRST time ngang magkasamang nag-guest sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It’s Showtime last Saturday.
Bongga naman ang naging pag-welcome sa kanila dahil nga sa promo ng kanilang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry.
Kuwela naman ang mga host na nag-estima sa couple though as early as Friday ay pinag-uusapan na sa compound ng ABS-CBN ang balitang confirmed guesting ng couple.
At doon nga pumasok ang tsikang aabsent si Karylle dahil kahit saang anggulo naman talaga tingnan, mayroon at mayroong awkwardness.
Hindi naging maganda ang mga nangyari sa kanilang tatlo in the past at sa mga nakaka-alam pa ng isyu, siyempre baka magkaroon pa ng kontrobersiya.
Pero ‘yung palabasing kesyo mayroong rehearsal o may something na iskedyul si Karylle kaya wala ito noong bumisita sina Dong at Yan sa It’s Showtime, pleasseee!!!
Very 80’s pa ang mga ganyang publicity slant, promo style o alibi.
Puwede namang sabihing lahat sila ay nagpapaka-disente lang kahit may ilang hosts ang show na hmmm…???