Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay Ellen Adarna Kampon

Derek makapag-uwi kayang muli ng tropeo sa MMFF?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

RAMDAM namin ang naging kalungkutan o frustration ni Derek Ramsay sa nangyari sa asawa nitong si Ellen Adarna.

After palang matanggal ang IUD (contraceptive method) kay Ellen ay nabuntis ito agad but sadly, nakunan naman. Nangyari itong lahat noong nasa Spain sila.

Mababakas sa pagkukuwento ng aktor ang matinding kalungkutan at pagkabahala lalo’t plinano nga nilang mag-asawa ang magkaroon na ng sariling anak.

No wonder sa Metro Manila Film Festival entry nitong Kampon, sobra siyang naka-relate sa kanyang role bilang isang ex-cop na praning na praning sa kung bakit hindi sila makabuo ng anak ng asawa niyang si Beauty Gonzales.

At nang dumating nga ang isang bata sa kanilang bahay out of the blue (na naging anak pala ni Derek sa pagkakasala), roon na nagsimula ang horror ng kuwento.

Twice nang nanalo bilang Best Actor sa MMFF si papa D. This time kaya ay magka-totoo ang kasabihang, “it comes in three?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …