PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGSALITA na si Tita Annabelle Rama tungkol sa pagtira sa kanyang bahay ni Richard Gutierrez.
Halos isang buwan na raw pala itong nanunuluyan sa bahay niya kasama ang dalawa niyang apo.
Siyempre minus Sarah Lahbati nga na hindi pa rin nagsasalita sa isyung hiwalayan umano nila.
May mga nang-iintriga kung bakit na kay Richard ang mga anak gayung dapat daw ay sa nanay ito.
Pero dahil wala naman tayong alam sa kung anumang sitwasyon nila, usapan man o anong agreement, deadma na lang muna ha. Mahirap maki-Marites sa mga usapang marital woes.
Basta ang sabi ni Tita A. hindi raw muna siya magsasalita tungkol diyan.