PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MULING nalagay sa alanganin si Paolo Contis dahil sa isyu ng Eat Bulaga at TAPE Inc..
Si Paolo kasi ang nagbigay pahayag na mahaba-haba pang usapan at isyu ang tungkol sa paggamit ng title na Eat Bulaga at EB at kahit nagdesisyon na ang IPOPhil hinggil sa pagkansela ng trademark application nito ng TAPE Inc., aapela pa rin ito.
Kay nga ang pakiusap ng TVJ na irespeto naman sana ng TAPE Inc ang naging desisyon ng IPOPhil ay mukhang walang bisa o epekto para sa TAPE Inc, at na-voice out nga ito ni Paolo.
Kaya todo batikos na naman ang tinatanggap ng aktor-host na sobrang kapal daw ang mukha at halatang hindi naiintindihan ang sinasabi ng batas though under the laws, appealable pa naman talaga ang isyu.