Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raveena Mansukhani

Pambato ng ‘Pinas sa Miss Teen International Philippines 2023 modelo si Gloria Diaz

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Raveena Mansukhani,18, ang itinanghal na Miss Teen International Philippines 2023.

Sa tanong kung anong feeling after niyang manalo ng title/korona, ang sagot niya, “I was very happy. 

“It’s such an honor. I’ll be representing our country next year.”

Sa April ng susunod na taon ang laban ni Raveena na gaganapin sa India.

Bongga si Raveena, dahil first time pa lang niyang sumali sa isang beauty pageant pero win na agad siya.

This is my first pageant ever that’s why I cried, very emotional when I won.”

Hindi naman talaga pinangarap ni Raveena na mag-join sa mga beauty contest. Kaya lang, nang makita ng kanyang ina ang advertisements para sa mga may gustong sumali sa Miss Teen International Philippines 2023 ay pinasali siya rito.

Actually, I never even thought about joining pageantry. Never crossed my mind. Only acting and singing.”

Bago pa man sumali si Raveena sa Miss International Philippines 2023 ay isa na siyang artista. Nagsimula siya bilang isang child star. Isa siya sa cast ng children show noon ng TV5 na Tropang Kulit. Nakalabas na rin siya sa ilang mga teleserye ng GMA 7 at ABS-CBN.

Si Gloria Diaz, na itinanghal na Miss Universe 1969 ang paboritong beauty queen ni Raveena. Bukod sa angking ganda at pagiging matalino nito, sa mahusay na pagsagot sa question and answer portion, nang sumali sa Miss Universe 1969, ang dahilan, kung bakit ang beauty queen-turned actress nga ang paboritong  beauty queen ni Raveena sa lahat ng naging beaury queens sa Pilipinas.

Pangarap ni Raveena na ma-meet si Gloria.

Kaya maganda si Raveena dahil may dugong Indian at Chinese. Ang kanyang ama ay isang Indian, while ang kanyang ina ay isang Filipino-Chinese.

Wala pang boyfriend si Raveena. Focus muna kasi siya sa kanyang pag-aaral sa Xavier.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …