PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
THERE is really something in the movie Mallari na nakita ng Warner Bros. kaya pumayag silang maging distributor nito.
Mentorque Production ang producer nitong Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na may historical at cultural story at pinagbibidahan ng pambansang ‘papable’ Piolo Pascual.
Tatlong timeline ang kabuuan ng movie kaya’t tatlong magkakaibang karakter din ang ipinortray ni Piolo, at lahat ay kuwento ni Fr. Juan Severino Mallari.
Kakaibang horror ang bitbit at depiction ni Piolo. Trailer pa lang ay manghihilakbot ka na.
At this early, frontrunner para sa amin sa pagka-best actor si papa Piolo kung pagbabasehan ang husay niya sa tatlong karakterisasyon niya kay Mallari.
Any bet?