PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SERYOSO naman ang atake ni direk Pepe Diokno sa GomBurZa, ang natatanging historical entry sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Sa point of view ni Padre Burgos (played by Cedric Juan) umikot ang kuwento na nagpasiklab ng mga rebolusyong Pinoy noong panahon ng Kastila in 1800’s.
Hahangaan mo ang tikas magsalita ng Spanish at Latin languages ng mga bida. Kaswal na kaswal at para ngang nasa lumang panahon tayo sa bongga ring production design at cinematography.
Sa mga mahihilig sa history at mga giyera noong unang panahon, para sa inyo ang pelikulang ito.
Hindi kayo bibiguin ng movie sa aspetong mag-aalab nga ang pagka-makabayan at pagka-Pilipino natin.