PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
DAPAT pala ay nagkasama sa movie sina Sen. Lito Lapid at Jackie Chan. Pero dahil kapwa sila sikat na sikat that time, hindi nagtagpo ang kanilang mga iskedyul.
Pero may good news dahil nag-uusap na sina Dondon Monteverde at direk Erik Matti para sa pag-relive ng mga action movies niya gaya ng Leon Guerrero etc at sa Netflix ito ipalalabas come 2024.
Si Sen. Lapid ang unang nagbigay ng thanksgiving cum Christmas Party sa mga showbiz media friends.
Inilarawan naman niyang ‘senior citizen’ kiss ang ginawa nila ni Lorna Tolentino sa Batang Quiapo.
“At least walang isyu kay LT. Single naman siya at magaling na aktres. Pwede pa naman kaming mga senior,” natatawa pa nitong tsika.
Sinamahan si Sen. Lito ni Jesse Chua, ang mentor, discoverer ng senador na nagbigay din ng napakaraming action hit movies niya under then Mirrick Films.
Nakaka-sad nga lang dahil ni isa yatang kopya ng mga action classics na ginawa nila ay wala silang na-preserve.