MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG Thursday, October 26 ay inilunsad ang debut single ng WCOPA Champion na si Ram Castillotitled Naghihintay, na mula sa komposisyon ni Papa Obet ng Barangay LS FM.
Since Naghihintay ang title ng single ni Ram, ano ba ang hinihintay niya?
“Ang hinihitay ko, ito, itong ngayon (launching ng kanyang single). At ‘yung nagkaroon ako ng manager na katulad ni mommy Merly Peregrino,” sagot ni Ram.
May nauna nang kumanta ng Naghihintay. Anong naramdaman niya noong una, noong nalaman niya na ire-record niya rin ang nasabing awitin?
“Kinabahan ako. Kasi, hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ng mga tao, na ako na ‘yung kakanta ng ‘Naghihintay.’ Pero sobrang happy, kasi maganda naman ‘yung mga reaksiyon,” ani Ram.
In fairness kay Ram, maganda ang version niya, huh! Sabi nga ni Papa Obet, mas maganda ang version niya kaysa naunang kumanta ng Naghihintay. At kahit kami, mas nagandahan sa version ni Ram, sa totoo lang.
Si Martin Nieverra ang paboritong singer ni Ram. At kung mabibigyan ng chance, gusto niyang maka-collab ito.
Ano ba ang pinakapaborito niyang kanta ni Martin?
“’Yung ‘You Are My Song,’” sagot ng magaling na singer.
Speaking of Mommy Merly Peregrino, bago pala niya hinawakan si Ram, kinumbinsi niya muna ang Team Abot Kamay (TAK) community.
Sabi ni Mommy Merly, “Sa totoo lang, nahirapan ako bago ko napa-oo ang buong community. Sa sobrang dami ng iyak, dugo na lumabas sa aming mga mata, sa daming pinagdaanan ng TAK community, sa dami kong pinagdaanan, sobra akong nagpapasalamat kay God, dahil sobra akong mahal ng TAK community. Kapag ako ay nasasaktan, dobleng iyak sila.
“Sabi nila, ‘mommy, tama na ang pag-iyak. Ayaw na naming masaktan ka. Unang-una, matanda ka na mommy. Kung ang katumbas naman nito ay puro sakit ng kalooban, okey na kami, kahit wala ka ng alaga.’
“Pero noong nakilala ko si Ram Castillo, sabi ko, ‘mga anak kung gusto ninyo akong maka-recover, tanggapin natin si Ram Castillo, pagbigyan ninyo ako kahit ito lang, last na.’
“Ayaw pa rin nila. Sabi nila, ‘mommy baka masaktan ka na naman. Hindi natin kilala ‘yan, kung tagasaan ‘yan.
“Nakiusap pa rin ako, sinuyo ko pa rin sila. Hanggang sabi nila, ‘sige mommy pagbibigyan ka namin.
“Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng chapter ng Team Abot Kamat,” sabi pa ng generouas at may mabuting kalooban na si mommy Merly.