Sunday , December 22 2024
Kakai Bautista Vilma Santos

Ate Vi nagbabala kay Kakai — kakainin ka niya ng buhay!

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA ang When I Met You in Tokyo na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa sampung pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2023. Happy siyempre ang tinaguriang Star For All Seasons, na napili ang kanilang pelikula sa taunang film festival.

Sabi ni Vilma, “Thank you, MMFF, for the trust. Team work ang movie na ito. Very simple love story but beautiful. [Mayroong] lessons ang movie — love has no boundaries, forgiveness, and moving forward in love and life. Simple but beautiful.”

Sabi pa ni Vilma na natatawa, “Sana panoorin ng tao ang sampung entries sa MMFF, pero unahin nilang panoorin ang ‘When I Met You In Tokyo.’”

Ang When I Met You In Tokyo ay istorya ng dalawang OFW sa Tokyo na sina ate Vi,  bilang si Azon,  at si Christopher bilang si Joey, na nagkakilala, naging magkaibigan at naging lovers.

Sa pelikula ay may lovescenes sina ate Vi at Boyet. Sa tanong kay ate Vi kung kamusta ang lovescenes nila ni Boyet, ang natatawa niyang sagot, “Abangan ninyo! ‘Yung scene namin na ‘yun ni Yetbo, first time naming ginawa. Sa dami-daming pelikula namin ni Yetbo, ‘yung eksena na ‘yun, first time naming ginawa.”

Hindi na nga mabilang ang pelikulang pinagsamahan nina ate Vi at Boyet, katulad ng Broken Marriage at Relasyon, na mag-asawa ang role nila, pero wala sila ritong lovescene. Ngayon pa nga lang sila nagkaroon ng lovescene sa pelikula.

For experience,” sabi pa ni ate Vi na natatawa.

Si Yetbo pa ang nagdirehe ng eksenang ‘yun,” aniya pa.

Kasama sa pelikula si Kakai Bautista. At puring-puri ni ate Vi ang komedyana.

One or two sequences lang kami ni Kakai. Alam ninyo, one thing I realized with Kakai, ‘pag kaeksena ninyo, beware! Kasi eto, ‘pag may eksena, hindi mo alam in the middle of the scene, adlib ng adlib. ‘Pag hindi ka marunong sumagot sa kanya, kakainin ka niya ng buhay, sa galing niya. I mean it,” papuri ni ate Vi kay Cacai.

Nag-thank you at nag-i love you si Kakai kay ate Vi nang marinig ang papuri sa kanya nito.

Ang When I Met You In Tokyo ay mapapanood na simula sa Pasko, December 25. Kasama rin sa pelikula sina John Gabriel, Cassy Legaspi, Darren Espanto, Gabby Eigenmann, Lotlot de  Leon, Jacky Woo, ang mag-asawang Lynn Cruz at Tirso Cruz, at may special participation dito si Ms.Gina Alajar.

Idinirehe ito nina Rado Peru at Rommel Penesa, with Christopher as associate director.

Unang handog ito ng JG Productions, with Ma. Rowena Jamaji and Rajan Gidwani as executive producers. Ang producer ay si Redgie A. Magno.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …