Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Alden Richards Julia Montes

Luis minsang naisalba ni Alden sa isang show

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBALIK-TANAW si Luis Manzano nang mag-guest sina Alden Richards at Julia Montes sa YouTube channel nito para sa promo ng kanilang movie na Five Breakups and a Romance. Ito iyong sinagip siya ni Alden sa isang trabaho na tinanguan niya pero hindi niya napuntahan. 

Si Alden daw ang pumalit sa kanya. At hinding-hindi niya malilimutan ang ginawang ‘yun ni Alden. Kaya naman personal niya itong pinasalamatan.

Naligtas na niya ako dahil may isang event na dapat gagawin ko, a long time ago, hosting. Bigla akong ‘di puwede, nang magkasakit ako. Last minute, nanginginig ako sa fever. Kaya last minute, si Alden ang gumawa ng hosting job ko. Kaya, thank you brother sa ginawa mong iyon. I appreciate you,” pahayag ni Luis.

Samantala, naikuwento rin ng mahusay na TV host ang pagtsugi sa kanya noon sa seryeng The Wedding na umere noong 2009.

Makakasama sana niya rito sina Anne Curtis at Zanjoe Marudo. Pag-alala ni Luis, “Gagawa dapat ako ng isang teleserye sa ABS, ‘yung ‘The Wedding.’

“Tapos pina-workshop ako kay Miss Beverly (Vergel). ‘Yung karakter ko, OC (obsessive compulsive).

“Hanggang sa nakuha ko na ‘yung karakter ko, tapos ‘yung call time ko noong kinabukasan, pinack-up ako. Sabi sa akin, ‘Luis, pack-up ka muna, ha,’” sabi raw sa kanya ng kausap.

Hindi raw niya maintindihan ang nangyayari kaya tinawagan niya sina Zanjoe at Anne, ang dalawang bida sa The Wedding. 

Nalaman niya na tuloy naman ang taping ng mga ito para sa naturang serye.

“’Tapos, kinabukasan, nag-message si Tita June (Rufino, manager niya), ‘Anak, pinalitan ka na sa show,’” sabi pa ni Luis na tawa nang tawa.

“Kung kailan nakuha ko na ‘yung character ko, tinanggal ako sa show. ‘Yung pack-up ko pala, sa buong programa, hindi lang taping day lang,” ang tawa pa rin ng tawa na kuwento ni Luis.

Samantala, napapanood ngayon si Luis sa It’s Your Lucky Day na siya ang main host. Kasama niya rito ang mga tinatawag na Lucky Stars na sina Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Tetay, Petite, Jennica Garcia, Robi Domingo, Bianca Umali, at Andrea Brillantes.

Ang It’s Your Lucky Day ang siya munang pumalit sa It’s Showtime habang suspended ito ng 12 days. Pero sana, kapag bumalik na ang It’s Showtime, manatili pa rin sa ere ang show na ito ni Luis. Nag-i-enjoy kasi ang marami sa mga nakakapanood nito, kasama na kami. 

Masaya ang show, sa totoo lang. Nakaka-good vibes. Sana ay ilagay na lang ito sa ibang oras. Pwedeng before It’s Showtime or bago ang TV Patrol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …