Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabbi Garcia Joshua Garcia

Joshua at Gabbi nakabuo ng relasyon on and off cam

MA at PA
ni Rommel Placente

ISANG buwan na lang at magtatapos na ang unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA with Viu Philippines na Unbreak My  Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

Ayon kay Joshua, sobrang nagpapasalamat siya kay Gabbi dahil all-out ang ibinigay na support sa kanya, lalo na sa paghugot ng tamang emosyon at makaiyak sa mga intense at madrama nilang mga eksena sa serye.

Sabi ni Joshua, “Thank you Gabbi, thank you sa kind words. Ako with Gabbi, ang gaan lang ng pakiramdam ko with Gabbi. Gusto ko ‘yung presence niya kapag nasa taping kami na stressful ‘yung araw.

“And ang laki ng naitulong niya sa akin sa taping. Kapag nahirapan akong humugot ng emosyon ko.

“Kahit hindi niya kailangang umiyak lalapit siya sa akin, aalis muna siya roon sa blocking tapos lalapit siya sa akin, dadamayan niya ako hanggang sa makaiyak ako.”

Sa pagtatapos ng kanilang serye, aminado si Joshua na nalulungkot siya kaya naman may mga gabing naiiyak siya dahil sa matinding sepanx.

Pahayag naman ni Gabbi patungkol kay Joshua, “We already built a relationship on and off cam with everybody so it’s a bittersweet moment.

“I’m really grateful that I’ve worked with a partner who is really generous, who is very kind. And I hope we can work again together in a project soon,” aniya pa.

Tutukan ang huling apat na linggo ng Unbreak My Heart tuwing Lunes hanggang Huwebes ng 9:35 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, at sa GTV ng 11:25 p.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …