Friday , May 16 2025
Jake Cuenca

Jake ‘di mababakante, Korean series sisimulan 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAHIT magtatapos na in three weeks ang The Iron Heart na bida-kontrabida si Jake Cuenca, hindi naman mababakante sa trabaho ang mahusay na aktor.

Magkakaroon kasi ng another season ang Jack and Jill sitcom nito sa TV5 na kasama niya si Sue Ramirez.

At hindi lang iyan ha, balitang mukhang tatanggapin na rin niya ang Pinoy adaptation ng isang kilalang Korean series.

Matagal na naming nababalitaan na noon pa inaawitan ng Viu at ABS-CBN si Jake para sa adaptation ng sikat na Korean series pero dahil sa hindi nga ito nababakante sa trabaho, hinintay talaga nila itong may matapos na show.

At sa pagtatapos nga ng The Iron Heart, isa na namang bonggang trabaho ang gagawin ni Jake, this time, with a new challenging role para isang Korean series na lab na labs ng mga Pinoy.

About Ambet Nabus

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …