Sunday , December 22 2024
Carla Abellana All Access to Artists AAA

Carla Abellana nilinaw pagsabak sa FPJ’s Batang Quiapo

MA at PA
ni Rommel Placente

WALA na sa pangangalaga ng Luminary Talent Management owned by  Popoy Caritativo si Carla Abellana. Lumipat na siya sa All Access to Artists (AAA). Noong Martes ng gabi, pumirma na siya ng kontrata rito.

Ayon kay Carla, in good terms pa rin sila ni Popoy kahit umalis na siya sa management nito.

Aniya, “More or less,more than two years din po ako under Luminary Talent Management. Maayos naman po akong nagpaalam kay Popoy. Of course, pumayag naman po siya. Hindi naman po niya ako talagang pinigilan or anything. Wala naman pong away or misunderstanding or anything.”

Patuloy niya, “So I’m very grateful, of course,  na maayos naman po ‘yung aking pag-exit, ‘yung pagpapaalam ko po sa kanya. 

“And of course I always be grateful naman sa lahat ng trabaho, ng sacrifices, lahat ng effort, all the hardworks na ibinigay po ni Popoy at naitulong niya sa akin. 

“Maganda pa rin po naman ang aming relationship. And I think, hindi na po mababago ‘yun. Parang ganoon.

“So,wala naman pong anything or wala naman pong away na naganap. Kumbaga, naghanap lang po ako basically ng change. I was just looking for change. 

“Parang naramdaman ko po na marami pa akong gustong gawin, may mga gusto pa akong subukan. Parang  nararamdan ko po na sa ibang management ko magagawa ‘yun.”

Pero may mga nagsasabi na may kinalalaman ang ex-husband ni Carla na si Tom Rodriquez sa pag-alis niya sa poder ni Popoy. Si Tom kasi ay si Popoy din ang tumatayong manager. Kumbaga, since hiwalay na sina Carla at Tom, kaya ayaw nang makasama ng huli ang una sa iisang management.

Pero ayon kay Carla, ay wala ‘yung katotohanan.

Paliwanag niya, “Actually parang hindi naman po. Kasi kung dahil po roon,dapat noong umpisa pa lang po, umalis na ako sa Luminary Talent Management. But of course, you know, professional po akong tao. Hindi naman po ako basta-basta aalis ng Luminary kung dahil lang sa reson na ‘yun po.

“And of course, the same with Popoy. Nagtrabaho pa rin po kami ni Popoy, at least nag-years pa rin po. Na-fulfill ko pa rin po ang aking mga commitment, kontrata po.

“So, hindi naman po dahil doon. Wala pong kinalalaman ‘yun. Dapat noon pa po, ginawa ko na ‘yung aking pag-alis, pag-transfer. Nothing to do with that,” diin pa niya.

Samantala, nilinaw din ni Carla na walang katotohanan ang napapabalitang magiging part na siya ng FPJ’s Ang Batang Quiapo ni Coco Martin.

“Kung bibigyan po ako ng oppportunity, why not? I’d like to be part of ‘Batang Quiapo.’ Pero wala naman pong offer. Wala pong inaalok sa akin na maging parte po ng ‘Batang Quiapo.’

“Sa ngayon, wala naman pong offer na maging parte ng kahit anong mga proyekto. Pero kung yayayain po ako, kung aalukin po ako, magiging open po ako roon,” paliwanag pa ng tinaguriang drama goddes.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …