Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristy Fermin Lala Sotto

Cristy pinalagan mga nagbabanta kay MTRCB Chair Lala

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL sa pagpapataw ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ng 12-day suspension sa Kapamilya noontime program na It’s Showtime, may nagpapadala ng death threats sa chairwoman ng nasabing organisasyon na si Lala Sotto.

Pero pinalagan sila ni Cristy Fermin.

Sa pamamagitan ng vlog nito na Showbiz Now Na ay binalaan nito ang mga nagpapadala ng death threat kay Lala.

Sabi ni Cristy, “Alam niyo po, ‘wag po tayong nagbibitiiw ng mga salita na ganyan. Alam niyo po, matakot tayo, mapagbiro ang panahon. Baka mamaya po, sa atin bumalikwas ‘yang mga pinagsasasabi natin.” 

Humanga naman si Cristy sa katatagan at pananatiling tahimik ng MTRCB chair sa kabila ng matitinding patutsada sa kanya ng kanyang detractors.

“Buti na lamang napakalawak ng pag-iisip at mawalak ang puso ni chairwoman Lala Sotto.

“Nakahihiya. Ang lalakas ng loob niyong magsabi na mamatay na sana ang pamilya Sotto pero ang picture niyo tissue. Naku! ‘wag po kayong kasing tapang ng kapapanganak na tigre. Matatapang kayo? Huwad ang katapangan ninyo. Head on kay chairman Lala Sotto, magpakita kayo ng mukha. Hindi po ‘yung ganyan. Peke po ‘yung katapangan ninyo.” diin pa niyang sabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …