Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Quizon Starkada Star Center Artist Management

Star Center Talents pwedeng magtrabaho sa labas ng Net 25 – Direk Eric

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAKILALA na sa entertainment press kamakailan ang 32 talents ng Star Center ng NET25 na ang head ay ang aktor/direktor na si Eric Quizon.

Kaya naitayo ‘yung Star Center is because, apart from building homegrown talents, mayroon kasing shows na gagawin na youth-oriented. So, we were thinking na since mahirap manghiram ng mga artista, l it’s better na mayroong sariling talents,” sabi ni Eric.

Maipagmamalaki ni Eric na salang-sala ang mga pinili nilang talents, na talaga namang talented.

Hindi naman namin sila kukunin kung walang potential, because they went to auditions. At saka hindi lang isang audition ‘yun, callbacks, may proseso talaga. Hindi yung, ‘Uy, okay ‘to! Tanggap na ‘to.’ No. May dinaanan talagang proseso.”

Exclusive ang mga kabataan sa Star Center, pero hindi aniya exclusive artists ng NET25. Kaya pwedeng lumabas sa ibang network ang mga ito.

Kung may offer nga na makakasama ng mga ito ang mga artistang gaya nina Coco Martin, Dingdong Dantes, at Marian Rivera, ay bakit naman hindi nila papayagan.

We allow them to work outside, because we want them to grow. Kasi kung magbibigay kami ng exclusivity, tapos wala naman kaming maibibigay din.

“However, may plano naman talaga kami gumawa ng shows para sa mga bata. Pero ang ano ko talaga, it’s better na they’ll grow better kung lalabas sila.”

Among their talents, may bubuuing loveteams ang Star Center.

Kung sino sa kanila ‘yung sa tingin namin ay bagay na magka-loveteam, sila ang gagawin naming loveteam.”

Ang mga talents ng Star Center ay sina Aaron Gonzalez, Kanishia Santos, Jannah Madrid, Nate Reyes, Shira Tweg, Bo Bautista, Rachel Gabreza, David Racelis, Dana Davids, Yvan Castro, Sofi Fermazi, Nicky Gilbert, Ornella Brianna, Shanicka Arganda, Via Lorica, Zach Francisco, Tim Figueroa, Victoria Wood, Miyuki De Leon, Juan Atienza, John Heindrick, Marco Ramos, Gia Gonzales, Jam Aquino, Crissie Mathay, Gera Suarez, Celyn David, Arwen Cruz, Mischka Mathay, Patrick Roxas, Migs Pura, at Drei Arias.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …