Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erwin Tulfo PTV4

Cong Erwin Tulfo babanat pa rin ‘pag may maling makikita sa mga taga-gobyerno

MA at PA
ni Rommel Placente

SA mediacon ng mga bagong programa ng PTV4 na isa rito ang Punto Asintado Reload, na ang hosts ay ang veteran broadcaster at representative ng ACT-CIS Partylist na si Cong. Erwin Tulfo at si Aljo Bendijo, sinabi ng kapatid ni Sen. Raffy Tulfo,na wala siyang suweldo sa kanilang programa dahil nasa gobyerno siya.

Sabi ni Erwin, “Wala namang compensation na natatanggap dito. I am not allowed. Kahit nga sa billboard namin, I have to donate that, mga billboard na ‘yan. I have to donate ‘yan, kasi mako-COA tayo.

“So wala. ‘Yung magiging parang voluntary, tapos ang magiging exposure ‘yung habol ko rito, but at the same time public service sa mga tao,” paliwanag ng mambabatas.

At dahil ang PTV4 ay isang goverment station, hindi niya pwedeng banatan si Pangulong Bongbong Marcos.

Kahit hindi pa ako sa Congress, eh hindi ko puwedeng banatan (PBBM), because number one, magkaalyado kaming magkaibigan.

“I will let others do that, bilang respeto na rin. Ibig sabihin, parang bahay niya ito eh, tapos babanatan mo siya rito? Pero other than that, siguro, pati Vice President, pati ‘yung mga apat na matataas na opisyal. Pero other than that, puwede na, ‘it’s a free game, ‘ika nga.

Kahit sino, kapwa mo Senador, Congressman ‘pag nagkamali, you have to call their attention. Siguro in a nice way, hindi na kagaya dati na nagmumura tayo.

“Ito talaga subtle, call their attention, and ask straight up sa question and answer, ‘yun siguro.” 

Samantala, kinompirma ni Cong. Erwin ang balitang pagkakaroon ng show ni Willie Revillame sa PTV, ‘yung Wowowin, na isa-simulcast sa IBC 13.

Pinag-usapan ‘yan, pinagplano. I know about this ‘yung kay Pareng Willie. Pinag-usapan ‘yan, nag-meet ‘yan sa PCOO, tiningnan nila kung puwede ba. Eh, nakita naman nila na may public service siya, eh. Tumutulong siya.

“Actually, it’s approved. Signing na lang. May kaunting adjustments na lang ang ginagawa, at saka ‘yung timing kung kailan siya papasok. Pero sa mga bossing sa taas okay na eh,” aniya pa.

Bago matapos ang taong ito ay mapapanood na si Willie sa PTV 4 at IBC 13.

Ang Punto Asintado Reload ay mapapanood sa PTV mula Lunes hanggang Biyernes, 10:00 a.m.

Bukod sa nasabing show, ang ilan pa sa mga show na mapapanood sa PTV ay ang mga news and public affairs program like On Assigment with Maan MacapagalGlobal RoundUp with Monique TuzonPTV News Now, PTV Balita Ngayon, at PTV Balita Ngayon Sa Probinsiya.

Sa Weekend naman ay mapapapanood ang ini-reformat na Sentro Balita Weekend at Ulat Bayan Weekend.

May morning commentary program din ang PTV, ang Mike Abe Live at 9:00 a.m. at ang kanilang regular weekday newscasts na Sentro Balita with Angelique LazoAudrey Gorriceta, at Naomi Tiburcio at 1:00 p.m.; Ulat Bayan with Aljo Bendijo, Diane Querrer, Maan Macapagal and Bill Velasco at 6:00 p.m.; at PTV News Tonight with William Thio, Monique Tuzon and Charms Espina at 9:30 p.m..

At bilang suporta sa government’s communication agenda, ang PTV ay magpapalabas ng PBBM program block sa weekdays at 5:30a.m.. Ang kalahating oras ng show feautures On The Ground, ang short documentaries ng award-winning director na si Paul Soriano, at ang BBM Vlogs, na ipakikita rito ang araw-araw na ginagawa/trabaho ni PBBM bilang ating Chief Executive.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …