Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez guard

Sylvia sa role na sekyu — ‘wag nila-lang kasi ‘pag pumutok tatahimik ang lahat

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Sylvia Sanchez sa cast ng bagong serye ng ABS-CBN na Senior High na bida si Andrea Brillantes. Gumaganap siya rito bilang isang security guard sa Nothford, na  nag-aaral si Andrea.

Sa mediacon ng nasabing serye, tinanong si Sylvia kung anong dahilan at sa kabila ng pagiging award-winning actress niya ay tumanggap ng role na isang sekyu.  

May promise ba ang role niya sa mga darating na episode ng serye?

Yes,” sagot ni Sylvia. “Malaki ‘yung role na ‘yun.

“After ng ‘HKM (Huwag Kang Mangamba),’ sinabi ko papahinga muna ako (sa showbiz). So ginawa ko ‘yun, years akong nagpahinga.

“May mga offer naman na dumating, tinanggihan ko.

“Kasi parepareho na nanay, ganoon. Gusto ko naman na ma-break ‘yung ganoon, na maiba ‘yung role ko.

“So after two years, eto dumating itong role na ito na si Lilia na isang security guard. Tinanggap ko ng walang pag-aalinlangan.

“Kasi after ‘HKM,’ pinagkatiwalaan ako ng Dreamscape ng panibagong magandang role.

“Security guard siya, pero huwag lang siyang sinasabihan na security guard lang.

“Kasi ang security guard na ‘yun, ‘pag pumutok, tatahimik ang lahat,” paliwanag pa ni Ibyang (tawag kay Sylvia).

So, base sa naging sagot ni Ibyang, mukhang bongga ang kanyang role, huh! Na malaki ang kinalalaman niya sa tatakbuhin ng istorya ng Senior High.

Napapanood na ito simula kahapon, Lunes (Agosto 28) ng 9:30 p.m.. sa Kapamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …