PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SANG-AYON kami sa reaksiyon ng mga kapitbahay naming nagwo-work sa pinaka-kilalang mall, na nanood ng Wish You Were the One.
Ito ang latest movie nina Bela Padilla at JC Santos na isinulat ni Enrico Santos at idinirehe ni Derrick Cabrido.
Showing na ang movie na inilalarawan bilang “the best” of all Bela-JC’s movies. Mas relatable, totoo ang mga senaryo, at sobrang komportableng panoorin ang dalawang bida.
The fact is, hindi nga lang husay sa drama ang naipakita ng dalawa, kundi maging sa comedy na hindi nagpapatawa ang eksena (lalo na sa mga eksena ni Bela).
Sana ay mapanood ninyo para kayo na ang humusga na totoo ang aming sinasabi. Hindi kayo mapapahiya sa aming rekomendasyon at mas lalong hindi masasayang ang pera at oras ninyo.