Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine ibinahagi FAMAS trophy kay Christophe Bariou

MA at PA
ni Rommel Placente

SA ginanap na 71st FAMAS Awards Night noong Linggo ng gabi. August 13, sa Manila Hotel ay si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress para sa pelikulang Greed ng Viva Films.

Inialay ni Nadine ang kanyang best actress trophy sa kanyang pamilya, boyfriend na si Christophe Bariou, mga kaibigan, at sa home studio niya, ang Viva Films.

Nagpasalamat din si Nadine sa Greed director na si Yam Laranas sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.

Si Noel Trinidad naman ang nag-uwi ng Best Actor trophy para sa pelikulang Family Matters. 

Napahaba ng acceptance speech ni Noel kaya pinatunog ang bell. Tinapos ng beteranong aktor ang pagsasalita, pero muli siyang bumalik para pasalamatan ang kanyang asawa na si Laly Laurel, na nalimutan niyang banggitin.

Best supporting actor ang Reroute star na si Sid Lucero at si Nikki Valdez ang Best Supporting actress para rin sa Family Matters. 

Present ang apat sa FAMAS kaya personal nilang nakuha ang kanilang awards.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …