PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA unang pagkakataon ay nakatapos kami ng isang Vivamax movie in one sitting. Madalas kasi ay paputol-putol ang aming panonood dahil sa kabisihan.
Impressive ang latest directorial job ni direk Roman Perez na Kamadora, topbilled by Tiffany Grey.
Character-based ang movie at maganda ang kuwento though sa mga hindi sanay sa mga flashback within flashback style ng story-telling eh bak mahilo kayo.
What impresses us are the dedication of all cast members na palutangin ang mga eksena nila. Noong mapanood namin sa isang MMFF (Metro Manila Film Festival ) entry si Tiffany, we felt na mabigyan lang ito ng break ay mapapansin lalo ang ganda, sexy, at husay.
Hindi naman niya tayo binigo rito sa Kamadora, lalo’t mga beteranong aktor ang naka-eksena niya gaya nina Sue Prado, Angie Castrence, Elora Espano, Raffy Tejada, at Junjun Quintana, na mumurahin mo sa galing umarte.
Magagaling din sina Victor Relosa at Itan Rosales, bukod sa mga guwaping ito.
Nagsimula na itong ipalabas sa Vivamax (subscribena kayo) starting Aug. 11.