PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
O hayan ha, para siguro wala ng masabi ang netizen na nagbibintang ng ‘bias’ kay MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Lala Sotto, naglabas ito ng panawagan sa E.A.T. para humarap sa committee nila.
Sanhi nga ito ng insidenteng “nagmura, nakapagmura o may minura?” si Wally Bayola sa kanilang Sugod Bahaysegment.
Last Friday ay nag-apologize na si Wally at sinabi nga ng nagsasalitang si Jose Manalo na hindi nila pinalalampas o tino-tolerate ang mga ganoong eksena kaya’t hihingi na sila ng paumanhin sa sambayanan at sa mga na-offend.
Halos kasabay din that time na naglabas ng notice/ statement ang MTRCB para nga ipanawagan ang mga bumubuo na show na umapir at mag-testify dahil sa pangyayari na na-monitor ng MTRCB Monitoring at Inspection Unit.